Monday, May 6, 2024

Senado nais makita ang listahan ng mga proyekto sa Build, Build, Build Program

- Advertisement -

Ipinasusumite ng Senado ngayong araw ang listahan ng mga proyektong nasa ilalim ng Build, Build, Build Program ng Duterte Administration.

Kasunod ito ng nabulgar sa budget deliberation kahapon na siyam pa lamang mula sa 54 na orihinal na listahan ang nasimulan ang konstruksiyon.

Ayon kay Senate Committee on Finance Chair Senator Sonny Angara, nais nilang makita ang listahan para maikonsidera sa pagpapasa ng panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.

Sa plenary deliberation kahapon, sinabi ng NEDA na under review ang mga proyekto para matanggal sa listahan ang mga proyektong malabo nang maipatupad at maidagdag ang mga proyektong mas tiyak na maipagagawa sa natitirang panahon ng administrasyon.

Una nang tinawag na dismal failure ni Minority Leader Franklin Drilon ang nabunyag na siyam lamang sa mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build Program ang nasimulan ng gobyerno. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img