Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Bello makikipagpulong sa Kuwaiti government hinggil sa kaso ng pagpatay kay Villavende

Nakatakdang magtungo ng Kuwait si Labor Secretary Silvestre Bello III sa susunod na linggo.

Ito aniya ay upang talakayin sa mga opisyal ng Kuwait ang pagkakaroon ng standard employment contract para sa mga Filipinong manggagawa sa nabanggit na bansa.

Sa pagdinig ng senate labor committee, sinabi ni Bello na inimbitahan siya ng Kuwaiti government matapos ang serye ng kaniyang pakikipagpulong kay Kuwait Ambassador Musaed Saleh Ahmad Althwaikh hinggil sa kaso ng pagpatay kay Jeanalyn Villavende.

Ayon kay Bello, inaasahang makakapulong niya sa Kuwait ang ministry of labor, ministry of interior, ministry of justice, ministry of economic affairs at posibleng maging ang kanilang Prime Minister.

Maliban aniya sa standard employment contract ng mga Filipinong manggagawa sa Kuwait, kaniya ring patututukan ang pagpapabilis sa resolusyon ng kaso ni Villavende.

Tutulak ng Kuwait si Bello sa February 2 hanggang 3 kung saan makakasama niya sina POEA Administrator Bernard Olalia, OWWA Administrator Hans Leo Cacdac at isang undersecretary ng DOLE.

Related posts

Bangkay ng babae, natagpuan sa Cavite

Powered by DWIZ

Mga pampublikong lugar bantay sarado ng mga pulis

Powered by DWIZ

Isabela at Cagayan nakahanda na sa posibleng pag landfall ng bagyong Ramon

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More