Sunday, May 5, 2024

Kongresista tinangka umanong patayin matapos maghain ng COC

- Advertisement -

Napigilan ng pulisya ang pinaniniwalaang tangkang pagpatay kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr.

Ito’y makaraang maaresto ang isang lalake na di umano’y nagtangkang manakit kay Andaya matapos itong maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) bilang gobernador ng Camarines Sur.

Ayon sa mga testigo, biglang lumapit ang suspek kay Andaya habang palabas ito sa tanggapan ng COMELEC at biglang naglabas ng baril.

Gayunman, nahulog di umano ang baril kaya’t napansin ito ng mga kasamahan ni Andaya kaya’t hinablot nila ang suspect na nakilalang si Ray John Musa, miyembro di umano ng Capitol Complex Security Unit.

Si Musa at ang kanyang kalibre trenta’y otsong baril ay agad na iti-nurn over sa pulisya at nakatakdang kasuhan ng attempted murder at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img