Komunidad dapat manguna sa paglaban sa COVID-19 — Public health expert

0
13

Sa harap nang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, iginiit ng isang public health expert na ang komunidad muna dapat bago ang mga ospital ang manguna sa paglaban sa coronavirus disease.

Sa isang facebook post, sinabi ni Lei Camiling-Alfonso, isang public health expert na dapat ang mga komunidad ang manguna sa pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko pag dating sa COVID-19.

Aniya, ito ang dapat na maging ‘first line of defense’ sa pagsugpo sa virus, pag-asiste sa mga tinamaan o nahawaan ng COVID-19.

Dagdag pa nito, masyado na kasing bugbog sa trabaho ang mga doktor, nurse at iba pang health workers kaya’t marapat lamang na mapagaan ang kanilang trabaho upang mapigilan na ang pagkalat ng virus.