Baguio City – Naitaas ang klasipikasyon ng Baguio Slaughterhouse sa Class AA mula sa dati nitong na Class A sa pamamagitan ng National Meat Inspection Service o ng NMIS matapos maayos ang nasabing pasilidad.
Ayon sa NMIS, nakapasa ang structural at operational assessment at evaluation ng nasabing abbatoir dahil isinagawang national standards napapaloob sa kasalukuyang mga batas at alituntunin.
Ang License to Operate para sa Class AA slaughterhouse ay pormal na ibinigay ni NMIS-CAR officer-in-charge regional technical director Dr. Roseller I Manalo sa mga opisyal ng lungsod at sa City Veterinary and Agriculture Office (CVAO) sa pamamagitan ni City Veterinary Officer, Dr. Silardo Bested.
Kung inyong matatandaan noong nakaraang taon, ang lungsod ng Baguio ay isinagawa ang rehabilitasyon at pagka-upgrade ng Baguio Slaughterhouse upang makasunod sa standards at upang matiyak na kalidad ang mga produktong karne para sa domestic o local market.
Ang rehabilitation at upgrading ng slaughterhouse ng Baguio ay isinagawa ng lungsod ng Baguio sa pamamagitan ng technical assistance ng NMIS-CAR. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio)
