Thursday, May 2, 2024

Klase sa Mapua Unviersity suspendido dahil sa ‘bomb threat’

- Advertisement -

Sinuspinde ang klase sa Mapua University sa Intramuros sa Maynila ngayong umaga.

Batay sa anunsiyo ng naturang unibersidad sa kanilang Facebook at Twitter account, ito ay dahil sa napaulat na bomb threat sa unibersidad.


Pansamantala muna namang ipinalilikas naman ang mga estudyante at mga empleyado sa Intramuros campus.

Samantala, bagaman nagsuspinde ng klase ang Mapua University ay idineklara naman nila itong ‘Digital Day’ kung saan isasagawa ‘online’ ang kanilang klase.

Magugunitang noong nakaraang ika-19 ng Setyembre ay sinuspinde rin ang klase sa Mapua dahil din sa isang bomb threat.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img