Kauna-unahang spacewalk ng mga babae kinansela ng NASA

0
68

Kinansela ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang spacewalk ng kauna-unahang mga babae.

Ito ay dahil sa kakulangan ng maliit na spacesuits na susuutin ng mga ito.

Gagawa sana ng kasaysayan sina Anne McClain at Christina Koch bilang kauna-unahang babae na maglalakad sa kalawakan bilang bahagi pa ring ng pagdiriwang ng women’s month.

Naging bahagi ang dalawa sa 2013 nasa class at dumaan sa ilang mga pagsasanay.

Sa halos 60 taon matapos ang unang pagtapak ng tao sa kalawakan ay 11 porsyento dito sa may 500 mahigit na katao ay mga kababaihan.

—-