Japan nag-deploy ng mga tauhan at missile squad sa pinag-aagawang isla sa East China Sea

0
47

Nagdeploy na ang Japan ng karagdagang ground force units na kinabibilangan ng mga missile squad malapit sa dalawang pinag-aagawang isla sa pagitan ng East China Sea at Pacific Ocean.

Nasa limandaan limampung (550) sundalo ang ipinadala ng Japan sa Amami-Oshima Island sa Kagoshima Prefecture habang tinatayang apatnaraan (400) sa Okinawa Prefecture na malapit sa Senkaku o Diaoyu Islands na inaangkin din ng China.

Ipino-posisyon na rin ng Japanese Forces ang kanilang mga missile battery sa Okinawa bilang bahagi ng pinalakas na depensa sa gitna ng lumalawak na presensya ng Chinese Armed Forces sa mga nasabing isla.

Samantala, kinumpirma ng Japan na naharang ng kanilang mga fighter jet ang dalawang Chinese spy planes sa Okinawa.

—-