Duterte muling humirit ng rape joke

0
42

Muli na namang humirit ng rape joke si Pangulong Rodrigo Duterte ngayon naman sa graduation ng Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019.

Sa bahagi kung saan lalagda ang pangulo sa isang dokumento para bigyan ng pardon ang lahat ng PMA underclassmen, habang binabasa ang pardon papers ay nagbiro itong binabasa ang mga offenses na bibigyan ng pardon.

Biro ni Duterte, una ay rape, pangalawa ay drugs with robbery habang ang pangatlo naman ay multiple rape ng mga pinakamagagandang kababaihan sa Baguio city.

Panay naman ang katawanan ng audience habang nagbibiro ang pangulo.