Thursday, May 2, 2024

80 porsyento ng supply ng tubig sa Metro Manila at Rizal naibalik na

- Advertisement -

Walumpung (80) porsyento na ng supply ng tubig sa Metro Manila at Rizal ang naibalik na.

Ayon kay Manila Water Communications Planning and Tactical Development Manager Dittie Galang, higit isang milyong kabayahan sa Metro Manila at Rizal ang mayroon nang supply ng tubig.

Nagsimula na aniya sila ng pagpapatupad ng rotational water supply simula pa noong Huwebes na nagdulot naman ng positibong resulta sa supply ng tubig.

Ngunit nilinaw ni galAng na mas pressure ngayon ng tubig kumpara sa dati.

Kabasay nito, inamin naman ni Galang na hirap pa silang ibalik ang supply sa ilang piling lugar sa Quezon City at Mandaluyong.

Ngunit siniguro niya na ang mga lugar na nakaranas ng limang araw o higit pang walang tubig ay nagkaroon na ng supply.


Static tank

Naglagay na ng static water tanks ang Manila Water Company sa ilang mga barangay sa Pasig at Mandaluyong City, upang maibsan ang nararanasang kakulangan sa supply ng tubig sa lugar.

Aabot sa sampung libong (10,000) litro ang nilalaman ng mga naturang tangke na ipinadala ng Manila Water sa mga nasabing lugar.

Gayunman, aminado naman ang pamunuan ng Manila Water na hindi ito sapat upang matugunan ang kabuuang pangangailangan ng mga residente.

Samantala, pinayuhan naman ng Manila Water ang kanilang mga konsyumer na nakatira sa mga matataas na lugar na mas maagang mag-imbak ng tubig dahil sa posibilidad ng mas mapaaga ang water interruption schedule.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img