Kaso ng leptospirosis sa bansa bumaba ang bilang

0
47

Bumaba ang bilang ng naitalang kaso ng leptospirosis sa bansa ngayong taon.

Ito ay batay sa tala ng Dept. of Health (DOH) kung saan umabot na sa kabuuang 1,181 ang kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang 2,200 na kaso sa kaparehong petsa noong 2018.

Gayunman, sinabi naman ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi pa rin dapat maging kampante ang publiko laban sa nasabing sakit.