China hindi kikilalanin ang naipanalong ruling ng Pilipinas sa PCA

0
43

Hindi kailanman kikilalanin ng China ang naipanalong ruling ng pilipinas sa Permanent Court of Arbitration (PCA) hinggil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito ang isiniwalat ni Presidential Spokesman Salvador Panelo hinggil sa kinahinatnan ng bilateral talks ng Pangulo Rodrigo Duterte at ni President Xi Jinping kung saan inaasahan na igigiit nito kay Pres. Xi ang hague ruling ng PCA hinggil sa west phil. Sea.

Ayon kay Panelo, naging apologetic pa si Pangulong Duterte kay President Xi nang ilatag nito ang PCA ruling.

Paliwanag ni Panelo, ito ay dahil labis na inaalala ng Pangulo ang pagiging abala ni Xi sa kinakaharap na problema ng China matapos ang malawakang kilos protesta sa Hong Kong.

Paliwanag ni Panelo, sinabi ng Pangulo kay Xi na hindi nito nais na gambalain pa ang China sa isyu hinggil sa pinag-aagawang teritoryo ngunit nais lamang niyang tuparin ang kanyang pangako sa mga Pilipino na ididiga niya sa China  ang ruling ng PCA sa West Philippine Sea.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Panelo na walang tensiyon sa pagitan ng dalawang lider at nananatiling maganda ang relasyon ng Pilipinas sa China.