DOJ pinag-aaralan ang legal process para maibalik ang mga nakalaya na bilanggo dahil sa GCTA

0
53

Patuloy pa ring pinag-aaralan ng Dept. Of Justice (DOJ) ang ligal na proseso upang maibalik sa piitan ang mga pinalayang bilanggo sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Kasunod ito ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa piitan ang mga bilanggong napalaya sa ilalim ng GCTA na sangkot sa heinous crimes.

Paliwanag ni Justice Undersecretary Mark Perete, tiwala siyang matutugunan ng pinagsanib puwersa ng DOJ at DILG na inatasang magreview sa IRR ng naturang batas ang kahilingan ng Pangulo.