Kaso ng COVID-19 sa QC sumampa na sa 5 —mayor

0
28

Sumampa na sa lima ang bilang ng kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa Quezon City.

Ito’y ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte makaraang magpositibo sa naturang virus ang isang 26-taong gulang na lalaki.

Wala umanong travel history sa labas ng bansa ang pasyente at inakala lamang na may dengue nang unang dalhin sa isang pribadong ospital.

Na-diagnose itong positibo sa COVID-19 nang ilipat na ito sa ibang ospital.