PNP walang ipinalabas na kautusang lockdown sa Metro Manila

0
18

Walang ipinapalabas na anumang kautusan ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa lockdown sa Metro Manila.

Sa gitna na rin ito ng patuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni PNP acting spokesman Benigno Durana na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council

(NDRRMC) ang magpapalabas ng anumang katulad na kautusan para tugunan ang idineklarang State Of Public National Emergency.

Gayun man, tiniyak ni Durana ang patuloy na paghahanda ng PNP para matugunan ang anumang contingency at kaagad nilang ilalabas sa publiko ang anumang development kung kinakailangan.