Saturday, May 4, 2024

Kaso ng COVID-19 sa bansa pumalo na sa 34,803 —DOH

- Advertisement -

Nakapagtala ng karagdagang 738 panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Department of Health (DOH) ngayong Sabado, Hunyo 27.

Dahil dito, pumalo na sa 34,803 ang kabuuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa naturang bilang ng mga panibagong kaso, 560 dito ay ‘fresh’ cases at 178 naman ang late cases.

Sa mga fresh cases, 212 ay mula sa Metro Manila; 184 sa Central Visayas; at 164 naman sa ibat-ibang rehiyon sa bansa.

Sa bilang naman ng late cases, 85 ang mula sa Metro Manila; 23 sa Central Visayas; at 70 mula sa ibat-ibang lugar.

Samantala, 249 ang nadagdag sa bilang ng mga nakarecover sa nakamamatay na virus kung saan pumalo na sa 9,430 ang total recoveries.

Habang 12 naman ang nadagdag sa bilang ng mga namatay kaya’t umabot na sa 1,236 ang death toll ng COVID-19 sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img