Magsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9147 o Conservation and Protection of Wildlife Resources and Their Habitats Act ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) laban sa lima (5) kataong nahulihang nagbebenta ng karne ng pawikan.
Matatandaang nahuli sa isinagawang pinagsanib-puwersang entrapment ng DENR, National Bureau of Investigation (NBI) at Cebu City Probe o Prevention Restoration Order Beautification Enhancement ang lima (5) kataong naaktuhang nagbebenta ng mahigit siyamnapung (90) kilong karne ng pawikan.
Narekober din sa mga suspek ang tinatayang bente kilos ng lutong karne ng pawikan o kilala sa tawag na “linarang pawikan”.
Paliwanag ni DENR-Seven Director Gilbert Gonzales, mahigpit na ipinagbabawal ang paghuli ng mga endangered wildlife species kagaya ng pawikan ng walang permit.
Apat (4) hanggang anim (6) na taong pagkakakulong at multang nagkakahalaga ng P50,000 hanggang P500,000 naman ang maaaring ipataw sa mapapatunayang lalabag sa naturang batas.