Kasalan sa Metro Manila bawal muna dahil sa COVID-19

0
20

Bawal munang mag-pakasal sa susunod na isang buwan.

Ito ang paalala ni Cabinet Secretary Carlo Alexi Nograles sa mga magkasintahan kasunod ng inilabas na resolusyon ng Inter Agency Task Force (IAFT) for the Management of Emerging Infectious Disease hinggil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Nograles, nakasaad kasi sa nasabing resolusyon na bawal ang anumang uri ng maramihang pagtitipon, kung saan hindi muna pahihintulutan ng pamahalaan ang large seminars, concerts, convention, sporting events, at anumang uri ng social gatherings.

Sinabi ni Nograles, epektibo kasi ang naturang resolusyon simula Marso 15 hanggang sa darating na Abril kaya’t nangangahulugan ito na dapat munang ipagpaliban ng mga magkasintahan ang kanilang mga nakatakdang kasal kung gaganapin ito sa Metro Manila.

Gayunman, sinabi naman ni Trade Sec. Ramon Lopez na binabalangkas nila ang panuntunan hinggil sa usapin ng refund sakaling ikansela ang gaganapin sanang kasalan.