DTI: “Customer is not always right”, huwag mag imbak ng medical supplies

0
20

Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na hindi naman lagi tama ang mga konsyumer.

Ito ang naging paalala ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez kaugnay ng mga ulat nang sobrang pag-iimbak ng mga konsyumer ng mga suplay ng alcohol, face masks, at iba pang medical supply sa harap ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Lopez, hindi dapat mag panic buying ang publiko lalo na’t sapat naman ang suplay ng mga pangunahing pangangailangan sa bansa.

Kaugnay nito, muling nagbabala ang kalihim laban sa mga indibidwal na naghohoard ng mga medical supplies upang ibenta sa mas mahal na halaga.

Sa ngayon aniya kasi ay patuloy na kumikilos ang mga otoridad upang ipa-aresto ang mga nananamantala sa sitwasyon.