Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa pumalo na sa 64

0
33

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) ngayong Biyernes ng gabi, 12 panibagong kaso pa ang naitala.

Dahil dito, nasa kabuuang 64 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Lima na sa nabanggit na bilang ang pumanaw ng dahil sa virus.

Matatandaang, inianunsiyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalagay sa Metro Manila sa community quarantine habang itinaas na rin naman sa code red-sub level 2 ang alerto sa buong bansa dahil sa banta ng COVID-19.