Kasal nina Katy Perry, Orlando Bloom sa Japan ipinagpaliban

0
17

Ipinagpaliban muna ng celebrity couple na sina Katy Perry at Orlando Bloom ang kanilang nakatakda sanang pag-iisang dibdib sa Japan.

Ito’y kaugnay pa rin sa banta ng COVID-19.

Nakatakda sanang magpakasal ang dalawa ngayong summer.

Ngunit minabuti na lamang nilang hindi muna ito ituloy at unahin ang kapakanan at kanilang kalusugan pati na ang kanilang pamilya at mga fans.

Ayon sa isang source, excited na sana ang 35-year old na singer na maglakad sa dambana.

Magugunitang ilang araw lamang ang nakalilipas nang i-anunsyo ni Katy ang kanyang pagdadalang-tao.