Saturday, May 18, 2024

7 residente ng San Juan kabilang sa mga positibo sa COVID-19

- Advertisement -

7 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng San Juan.

Ito mismo ang kunumpirma ni San Juan City Mayor Francis Zamora sa isang forum ngayong umaga.

Kabilang ang 7 kaso sa 33 kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa, na una nang ini-anunsyo ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Zamora, 4 sa 7 COVID-19 case sa San Juan ay bumisita rin sa prayer hall sa Greenhills —–lugar na pinuntahan din ng mga nauna nagpositibo sa virus.

May travel history naman aniya sa Bali, Indonesia ang dalawa sa mga ito habang iniimbestigahan pa ang isa pa sa mga kaso.

Ayon sa Alkalde, kasalukuyan silang naka-confine sa iba’t-ibang ospital ngunit nasa “stable condition” naman aniya ang mga ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -