350,000 accounts sa Grab sinuspinde dahil sa paggamit ng pekeng pangalan

0
23

Aabot sa mahigit 350,000 accounts ng ride-hailing app na Grab ang kanilang sinuspinde dahil sa paggamit ng mga pekeng pangalan noong 2019.

Ito, ayon sa head ng Grab Philippines na si Brian Cu, ay upang mapigilan ang anumang uri ng panloloko sa kanilang app.

Nasa halos 900 users na rin, ani cu, ang kanilang sinuspinde ngayong taon dahil sa kaparehong paglabag.

Dagdag pa ni Cu, bukod sa suspensiyon, naka-ban din ang nasa 125,000 pasahero at customer dahil naman sa labis na ride at order cancellations, paggawa ng maraming Grab accounts, pagbibigay ng hindi makatarungang rating sa mga drivers at iba pang pandaraya.

Mino-monitor din aniya nila ang nasa mahigit 100,000 users dahil naman sa pagiging abusado, pagkabigong magbayad ng tamang pasahe, overloading, at paglalagay ng maling pick-up point.