Karamihan sa mga nabiktima ng food poisoning sa Pasig nakalabas na

0
47

Nakalabas na ng ospital ang karamihan sa mga pasyenteng nabiktima ng food poisoning sa ginanap na birthday party ni dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Ito mismo ang kinumpirma ni Bryan Wong, hepe ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).

Gayunman, hindi naman tinukoy ni Wong kung ilan ang eksaktong bilang ng mga pasyenteng na-discharge mula sa kabuuang 306 katao na isinugod sa ospital.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Wong sa mga kalapit na lungsod ng Pasig na nagpadala ng kani-kanilang ambulansya upang agad na maisugod sa ospital ang mga nabiktima ng food poisioning.