Friday, May 3, 2024

Foundling Recognition Act isinusulong ni Lapid

- Advertisement -

Isinusulong ni Senator Manuel “Lito” Lapid ang panukalang magbibigay ng “natural born status” sa mga batang inabandona.

Sa ilalim ng Senate Bill 56 o ang Foundling Recognition Act, sinabi ni Lapid na mabibigyan ng natural born status ang lahat ng mga inabandonang bata na walang kinikilalang magulang.

Paliwanag pa ng senador, sa ilalim anya ng kanyang panukala, ang natagpuang bata ay maaring ituring na anak ng unang nakakita sa kanya.

Sa ngayon, ang citizenship ng sinumang natagpuang bata ay nakabitin hanggang sila ay maampon, kaya’t wala silang mga karapatan sa ilalim ng civil code, family code at iba pang mga batas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img