Wednesday, May 8, 2024

Karagdagang puwersa ng PNP ipinagutos ni Año

- Advertisement -

Ipinag-utos na ni Interior And Local Government Secretary Eduardo Año ang pagtatalaga ng karagdagang puwersa ng Philippine National Police (PNP).

Ito’y ayon kay Año ay upang mas mahigpit na maipatupad ang mga panuntunan para sa enhance community quarantine (ECQ)  kasunod na rin ng pagdami ng mga lumalabag.

Ayon kay Año, kanya nang inatasan ang pno na suyurin ang bawat sulok ng kanilang mga nasasakuoan para mahuli ang lahat ng mga patagong nag-iinuman, nagsusugal at nagpapatupad sa gitna ng ECQ.

Kaugnay nito, ipinag-utos na rin ni Año sa mga lokal na pamahalaan na pakilusin ang mga barangay units para sa mas mahigpit pang pagpapatupad ng community quarantine.

Binalaan din ng kalihim na aarestuhin ang sinumang opisyal na mangunguna pa sa paglabag. –-Ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img