Kapulisan pinaaalerto sa kumakalat na coronavirus mula China

0
11

Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Archie Gamboa ang lahat ng police regional offices na makipag ugnayan sa mga regional health offices upang matunton ang mga indibidwal na maaaring may sakit na novel coronavirus.

Ito ay matapos na magositibo sa coronavirus ang isang Chinese national na bata na kasalukuyang nasa Cebu.

Gayunman, dadaan pa sa isang pagsusuri ang bata upang matiyak kung ang sakit nitong coronavirus ay kapareho ng panibagong coronavirus na ikinamatay ng mahigit apat naraang katao sa China.

Samantala, inaasahang ilalabas na ng DOH mamayang hapon ang huling resulta ng pagsusuri sa naturang bata na nasa Cebu.