- Advertisement -
Nagpa-self quarantine sa Aklan ang isang flight attendant na galing sa Wuhan, China.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuatchon ng Provincial Health Office, nagpasya ang 24 y/o na flight attendant na magpa-self quarantine matapos itong makaramdam ng flu-like symptoms.
Agad namang ipinasuri ang pasyente sa Research Institute for Tropical Medicines upang malaman kung positibo ito sa novel coronavirus.
Nilinaw naman ng pasyente na hindi ito nagkaroon ng direct contact sa mga naging pasahero nito.
Ang Kalibo Airport lamang ang paliparan sa buong Pilipinas na mayroong direct flight mula sa Wuhan, China.
- Advertisement -