Unang kaso ng coronavirus mula Wuhan, China naitala sa Macau

0
23

Nakapagtala ang Macau ng unang kaso ng SARS-like coronavirus.

Ayon sa pinuno ng Health bureau sa Macau na si Lei Chin-Ion, nagpositibo sa coronavirus ang 72 anyos na negosyanteng babae mula sa Wuhan City, China matapos na makitaan ng sintomas ng pneumonia.

Aniya, dumating ang pasyente sa Macau lulan ng high-speed rail noong linggo, Enero 19.

Sa ngayon, tinututukan na rin ang dalawang kaibigan nito habang nananatili sa New Orient Landmark hotel.

Samantala, tiniyak rin nito na mahigpit silang makikipag-ugnayan sa mga tourism agency kaugnay sa mga turistang papasok at lalabas ng bansa na paghihinalaang may naturang sakit.