29.5 C
Manila
Wednesday, January 26, 2022

10 katao patay sa pagsabog ng isang van sa checkpoint sa Basilan

- Advertisement -

Patay ang sampu (10) katao matapos sumabog ang isang van sa checkpoint ng militar sa Sitio Bulanting barangay Colonia Lamitan, Basilan.

Ayon kay Col. Fernando Reyeg, Commander ng Joint Task Force Basilan, isa sa mga nasawi ay regular na miyembro ng militar samantalang apat ang CAFGU.

Nadamay rin aniya ang apat na sibilyan na pawang kapamilya ng mga CAFGU na nasa checkpoint at ang driver ng sumabog na van.

Sinabi ni Reyeg na nakatanggap sila ng impormasyon na may ipapasok na improvised explosive device o IED sa Lamitan kaya’t pina-igting nila ang kanilang checkpoint operations.

Isang kahina-hinalang van aniya ang nilapitan ng tropa na posibleng i-ki-nataranta ng driver kaya’t pinasabog na ang IED.

Ayon kay Reyeg, kinukumpirma pa nila ang report na mukhang dayuhan ang driver ng van at ang posibilidad na suicide bombing ang nangyari.

Kumbinsido naman ang vice mayor ng Lamitan na kung makukumpirmang suicide bombing ang nangyari, posibleng nakalaan sana ito sa Lamitan kung hindi naharang sa checkpoint.

(Ulat ni Jaymark Dagala)

 

 

 

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -

SURVEY QUESTION OF THE WEEK

Kailangan bang may malawak na karanasan at mataas na pinag aralan ang mga tatakbo sa pagka Presidente at Bise Presidente? Oo o Hindi?

- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -