Kapatid ni US President Trump pumanaw sa edad na 71

0
19

Pumanaw na ang nakababatang kapatid ni US President Donald Trump na si Robert Trump sa edad na 71 taong gulang

Sa isang pahayag, sinabi ni Trump na bukod sa pagiging kapatid, itinuturing din niya itong matalik na kaibigan.

Hindi naman na idinetalye pa kung ano ang sakit ng nakababatang Trump.

Nauna rito, noong Hulyo, isinugod sa ICU o intensive care unit ng isang ospital sa New York ang nakababatang Trump.