Sec. Año muling nagpositibo sa COVID-19

0
26

Muling tinamaan ng COVID-19 si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Sa isang pahayag sinabi nito na sumailalim siya sa COVID-19 test nitong August 14 at natanggap ang resulta na positibo siyang muli sa virus kahapon, August 15.

Dagdag pa nito, nakaramdam na siya ng flu-like symptoms nitong August 13 gaya ng pananakit ng lalamunan at pananakit ng katawan, kung kaya’t minabuting sumailalim sa COVID-19 test.

dahil dito, nanawagan si Secretary Año sa mga nakasalamuha nito na sumaisalim sa self-quarantine at obserbahan ang anumang pagbabago sa pakiramdam.