Kampanya vs cyberbullying pinaigting ng PNP

0
10

MasĀ pinaigting pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang kampanya kontra cyberbullying na karaniwang bumibiktima sa mga kabataan.

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Gamboa, isa na ang cybercrime sa pinakalaganap na krimen sa kasalukuyan dahil na rin sa mabilis na paglawak ng teknolohiya.

Kaugnay nito, hinimok ni Gamboa ang mga magulang na bantayan ang mga napapansing pagbabago sa ugali ng kanilang mga anak at agad magreport sa pulisya sakaling matukoy na nabiktima ng cyberbullying ang isang bata.

Aniya, may mga ginawang Facebook pages ang PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) at mga regional units na nakahandang tumanggap ng mga reklamong may kaugnayan sa cyber bullying, pagpapalaganap ng fake news, online scams, online photo and video voyeurism.

Sa pinakahuling datos ng pnp-acg umaabot na sa labing siyam na mga cyberbullying case ang naimbestigahan nito mula Enero 2019 hanggang Hunyo a-30, 2020 bilang bahagi ng Anti Bullying Act of 2013.