Kapalpakan sa SEA Games iimbestigahan ng Seante Committee on Sports

0
84

Iimbestigahan ng Senate Committee on Sports ang mga kapalpakan sa Southeast Asian Games.

Sa isang privilege speech, sinabi ni  Senador Bong Go, Chairman ng Komite, agad nyang sisimulan ang imbestigasyon pagkatapos ng SEA Games na  magsisimula sa 30 ng Nobiyembre hanggang 11 ng Disyembre.

Tiniyak ni Go na papanagutin nila kung sino ang dapat managot subalit sa ngayon ay mas mahalaga anya na huwag munang magturuan at magsisihan.

Umapela si Go sa PSC, POC, Phisgoc at sa lahat ng pPilipino na huwag hayaang pumalpak ang SEA Games.