28.5 C
Manila
Friday, October 7, 2022

Ampatuan dapat nang ibalik sa kanyang kulungan

- Advertisement -

Dapat ibalik na sa kanyang kulungan sa Quezon City Jail Annex sa Bicutan Taguig si Zaldy Ampatuan, pangunahing akusado sa Maguindanao Massacre case.

Si Ampatuan ay nasa hospital arrest sa Makati Medical Center nuon pang Oktubre dahil sa sakit sa puso.

Sa kanilang urgent motion sa Quezon City Regional Trial Court, sinabi ng public prosecutors na hindi na kailangang manatili sa ospital si Ampatuan dahil sumasailalim na lamang ito sa physical at occupational therapy na puede namang gawin sa kanyang kulungan sa Taguig.

Idinagdag ng public prosecutors na sakaling kailanganin ni Ampatuan ang manatili sa ospital, dapat anilang dagdagan ang bantay nito upang matiyak na hindi ito tatakas.

Ang desisyon sa Maguinanao massacre case kung saan 58 katao ang nasawi at inaasahang ilalabas ng Quezon City RTC sa 20 ng Disyembre.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -