Drilon binuweltahan si Cong. Romero kaugnay sa pagka-antala ng budget sa SEA Games

0
44

Binuweltahan ni Senate  Minority Leader Franklin Drilon si Cong. Mikee Romero ng One Packman Partylist group.

Kaugnay ito sa paninisi sa kanya ni Romero sa pagkaka antala ng budget sa Southeast Asian Games na anya’y dahilan kayat nagkaka aberya ang pagho-host ng Pilipinas sa SEA Games.

Ayon kay Drilon, ang pagkaka antala ng pagpasa sa 2019 national budget ay dahil sa mahigit P95B pork barrel na isiningit ng Kamara sa panukalang budget.

Ipina alala ni Drilon kay Romero na kung hindi dahil sa kanyang panukalang compromise, malamang ay hindi na naipasa ang 2019 budget at re-enacted budget pa rin ang ginagamit para sa taong kasalukuyan.

Matatandaan na kalagitnaan na ng Abril nang malagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 national budget.