Friday, May 3, 2024

Kampo ni Pasig City Mayor Vico Sotto pinagpapaliwanag ang NBI

- Advertisement -

Nagtungo ang kampo ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa National Bureau of Investigation (NBI) upang humingi ng paliwanag kaugnay sa partikular na nilabag ng alkalde sa Bayanihan to Heal as One act.

Ayon kay Pasig City Administrator Atty. Jeron Manzanero na siyang nagtungo sa NBI, nais nilang alamin kung ano ba talaga ang alegasyon na tinutukoy ng NBI sa ilalim ng naturang batas upang kanila itong masagot ng tama.

Iginiit pa nito na fully compliant ang lokal na pamahalaan ng Pasig sa lahat ng direktiba ng national government simula nang umiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.

Samantala, magugunitang hiningan ng paliwanag ng NBI si Sotto noong April 1 kaugnay sa hindi nito pagsunod umano sa direktiba ng national government sa pagpapatupad ng quarantine sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One act dahil sa umano’y patuloy na operasyon ng tricycle sa lungsod.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img