Duterte: ‘Vote for Roxas, walang problema yan’

0
50

“Iboto niyo si Roxas.”

Ito ang pahayag ni Pangulong duterte nang humarap ito sa mga benepisyaryo ng mga reporma sa agraryo.

Ayon sa Pangulo walang problema sa kanya kung iboto ng tao si dating Senador Mar Roxas na dati na rin niyang nakalaban sa 2016 Presidential Elections.

“Alam ko si Roxas… Vote for Roxas, Ilonggo eh. Iboto ninyo, walang problema ‘yan.” Sige, why don’t you try para makita ninyo. You can only measure a man’s stamina for doing a particular activity for his fellowmen.”

Gayunman, iginiit ng Pangulo na ang hindi niya gusto ay ang pagdikit kay Roxas ni retired police official na si Marcelo Garbo na ayon sa Punong Ehekutibo ay sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa Visayas.

“Itong si Garbo, I don’t know where he is, that idiot. You know Garbo was the police aide, senior aide of Roxas. Pero ‘yung Garbo na ‘yan, naghawak ng droga sa Visayas, iyon ang police makita mo palagi sa tabi ni Roxas noon.”

Bilang reaksyon naman, sinabi ni Roxas na nagpapasalamat siya sa pahayag ng Pangulo kung ito man ay totoo.

Kasabay nito, nilinaw ni Roxas na ang kanyang pagtakbo sa Senado ay hindi para makabawi sa pagkatalo niya noong 2016 kundi dahil sa nais nitong makatulong sa paglutas ng mga problemang kinakaharap ng bansa.

—-