Kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu hindi dapat magamit bilang katwiran sa pagpapatupad ng Anti-Terror Law

0
12

Hindi dapat gamitin ang Kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu kahapon para bigyang katwiran ang pagpapatupad ng Anti-Terror Law.

Ito ang binigyang diin ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate.

Paliwanag ng mambabatas, kanilang kinokondena ang naturang pangyayari ngunit hindi aniya ito dapat gawing batayan para bigyan ng katwiran na isabatas ang unconstitutional na Anti-Terror Law.

Kung tutuusin aniya ay hindi na kailangan ang naturang batas gayung gagawa namang ma-trace ng mga otoridad ang mga terorista na nasa likod ng pag atake.

Samantala, nananawagan naman si Zarate ng malalimang imbestigasyon at pagtiyak na mapapanagot ang mga nasa likod ng sunod-sunod na pagsabog sa Jolo, Sulu.