Nagpalabas na ng bagong travel advisory ang United Kingdom kasunod ng kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu kahapon.
Batay sa inilabas na travel advisory ng British government, pinag iingat nito ang kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas dahil sa pinangangambahang pag atake muli ng mga terorista maging sa Maynila.
Batid din sa abiso na patuloy ang banta sa Pilipinas ng mga terorista partikular na sa abu sayyaf group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Jemaah Islamiyah, New People’s Army (NPA).