Pumalo na sa 94 ang bilang ng mga naaaksidente sa concrete barriers na inilagay sa kaliwang bahagi ng EDSA.
Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakalap simula noong Hunyo 1 hanggang Agosto 13.
Ayon kay MMDA EDSA Traffic Chief Bong Nebrija, karamihan sa mga naaaksidente ay mga motoristang lasing at nakakatulog.
Samantala, papalitan naman aniya ng manipis na steel board ang mga makakapal na concrete barrier na inilagay sa makikipot na bahagi ng EDSA gaya ng mga nasa flyover at underpass.
Sa ngayon ay aabot na sa 5,000 concrete barrier ang nailatag sa kahabaan ng EDSA at patuloy na kinukumpleto ang target na 36,000 barrier.