Kamara pinabibilis ang pamamahagi ng emergency subsidies sa ilalim ng Bayanihan Act

0
18

Pinabibilisan ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa liderato ng Kamara at Inter Agency Task Force (IATF) and Disbursement Mechanism para sa pamamahagi ng emergency subsidies sa ilalim ng Bayanihan Act of 2020.

Sinabi ni Salceda na urgent ang pangangailangang mabigyan ng ayuda ang mga naka-quarantine na pamilya kaya’t dapat itong gawin sa lalong madaling panahon.

Inilatag ni Salceda ang mga posibleng gawing daan sa pamimigay ng emergency assistance para matiyak na magiging pangkalahatan at makakarating sa nangangailangan.

Pinatitiyak ni Salceda na walang mapag-iiwanan tulad nang layon nang ipinasang panukala ng kongreso na ‘To Heal As One’.

Kayat isinusulong ni Salceda sa IATF na ikunsider ang iba’t-ibang listahan para masakop ang buong target sectors bago mag cross check.

Dapat rin aniyang buksan ito sa application kung saan kailangan lang patunayan ng beneficiary na apektado ito ng enhanced community quarantine at magugutom kapag walang ayuda.

Ipinabatid pa ni Salceda na pwede nang magsimula sa tax reform cash transfer ng DSWD at sa COVID adjustment measures program ng DOLE dahil bumubuo na ito sa 10-M households kaya idaragdag na lamang ang 8-M pang natitira para mabuo ang target na 18-M beneficiary households para sa emergency subsidy.