Palasyo tiwala sa hakbang na tigil putukan ng CPP-NPA

0
13

Positive development ang pagtugon ni CPP Founder Jose Maria Sison sa panawagang global ceasefire sa gitna nang kinakaharap na hamon ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na magandang hakbangin ang direktiba ni Sison sa NPA na magkaroon ng tigil putukan sa gobyerno.

Ayon kay Panelo tiwala ang Palasyo na magiging tapat ang NPA sa pangakong tigil putukan.