DFA nagpaalala sa mga Pinoy ukol sa travel restrictions sa Hong Kong

0
20

Ipinaalala ng DFA sa mga Pilipino ang travel restrictions sa Hong Kong na sinimulan na kahapon.

Partikular na hindi papayagang makapasok ng Hong Kong sa loob ng dalawang linggo ang non-residents kabilang na ang transit passengers.

Pinapayuhan naman ng DFA ang mga Pilipino na maaapektuhan na mag-adjust ng kanilang travel plans.

Pinaalalahan din ng DFA ang mga Pilipino sa abroad na maging vigilant sa pinaiiral na lockdown sa iba’t-ibang bansa dahil sa banta ng COVID-19 sa buong mundo.