DENR iimbestigahan ang tone-toneladang basura galing sa SoKor

0
49

Iimbestigahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nadiskubreng tone-toneladang basurang galing di umano sa South Korea (SoKor) na nakatambak ngayon sa Mindanao.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, kukumpirmahin pa ng ahensya kung nanggaling nga sa SoKor ang naturang mga basura.

Sisiyasatin din ang mga basura kung mayroong kasamang mga hazardous material na posibleng makasama sa mga tao.

Batay sa inisyal na impormasyon, tinukoy na plastic synthetic flakes ng cosignee Verde Soko Philippines Industrial Corporation ang shipment na dumating sa Mindanao Container Terminal nuong Hulyo.