33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Kamara inaprubahan ang emergency powers para sa DOTr upang resolbahin ang traffic congestion

- Advertisement -

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na magbibigay emergency powers sa Department of Transportation (DOTr)  upang resolbahin ang  traffic congestion sa Metro Manila, Cebu at Davao.

Umani ang House Bill 6425 Traffic Crisis Act of 2017 ng 180 boto habang walo (8) ang tumutol.

Kinikilala ng bill ang traffic crisis bilang isang emergency case kaya’t pinalawak ang coverage ng emergency case na tinutukoy sa ilalim ng Section 53 ng Republic Act 9184.

Alinsunod sa bill, bibigyan ang kalihim ng DOTr bilang alter ego ng pangulo ng emergency powers upang resolbahin ang traffic congestion sa loob ng taon.

Magsisilbi rin ang DOTr secretary bilang traffic chief na may kapangyarihang i-monitor at pangasiwaan ang transportation agencies tulad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at itatatag na Cebu Traffic Coordinating Council at Davao Traffic Administration.

Maka-ilang beses ng hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na bigyan siya ng emergency powers upang resolbahin ang problema sa daloy ng trapiko lalo sa mga pangunahing kalsada tulad ng EDSA.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -