Tuesday, May 7, 2024

Kamara balik sesyon na ngayong araw

- Advertisement -

Magbabalik na ang sesyon ng Kamara ngayong araw, Abril 4, sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Batay sa ipinalabas na guidelines ng Office of the House Secretary General, 25 kongresista lamang ang papayagang dumalo nang personal habang ang natitirang mahigit dalawandaang mambabatas ay makikilahok sa pamamagitan ng video conferencing.

A tulong nito ay maipagpapatuloy na ng Kongreso ang committee hearing, technical working group meeting, political caucuses, at press conference.

Dagdag pa dito, mahigpit ring ipapatupad sa pagbabalik ng sesyon sa Kamara ang physical distancing, no face mask – no entry policy, temperature check, at maging pag lalagay ng alcohol o sanitizers sa entrance ng gusali.

Samantala, bukod sa mga mambabatas ay papayagan ring makapapasok sa plenary hall ang hindi lalagpas sa 25 secretariat employees, media personnel, at iba pang guests.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img