Bilang ng COVID-19 tests na maisasagawa ng bansa inaasahang aabot sa mahigit 31-K kada araw

0
20

Inaasahang nasa mahigit 31,000 coronavirus disease 2019 (COVID-19) test na ang maisasagawa kada araw, simula sa susunod na linggo.

Ito ay matapos na itayo ang Palacio de Maynila, The Enderun Tent, MOA Arena, at Philippine Arena bilang mega swabbing facilities para sa COVID-19 testing.

Ayon kay Chairperson Anna Marie Lamentillo ng Department of Public Works and Highways (DWPH) Build, Build, Build Committee, ang mga naturang papsilidad ay inupahan ng pamahalaan sa Yap Group of Companies, Dennis Uy Companies, SM Group of Companies, at Iglesia ni Cristo.

Samantala, matatandaang sinabi ni Presidential adviser on Entrepreneur Jose Ma. Concepcion noong nakaraang linggo na maaalis lang ang enhance community quarantine sa May 15 kapag lumawak ang COVID-19 testing na maisasagawa sa bansa.