33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Mga lumang jeep papayagang makapasada sa GCQ areas —DOTr

- Advertisement -

Papayagan na ng Department of Transportation (DOTr) ang mga lumang jeepney na makapasada sa mga lugar na isasailalim sa general community quarantine (GCQ).

Gayunman, sinabi naman ni Transportation Undersecretary Artemio Tuazon Jr. na prayoridad parin ng pamahalaan ang pag-operate sa mga modernized jeepney at buses kaysa sa lumang jeep.

Nilinaw naman ng kalihim na bastat “roadworthy” pa ang mga lumang jeep, hindi mausok, at nasa maayos pang kondisyon ay papayagan na nilang makapasada ang mga ito.

Magsisilbi rin aniyang augmentation ang mga lumang jeep kung hindi sapat ang mga modernized jeepneys sa mga lugar na isasailalim sa GCQ.

Samantala, naglabas naman ng protocol ang DOTr sa mga tsuper ng jeep kaugnay sa pagsusuot ng face masks, guwantes, at pag disinfect sa kani-kanilang mga sasakyan at terminal upang maging ligtas sa banta ng COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -