Kalagayan ng Pangulo maayos naman matapos makasalamuha si Año na positibo sa COVID-19

Kalagayan ng Pangulo maayos naman matapos makasalamuha si Año na positibo sa COVID-19

by Powered by DWIZ
43 views

Bahala na ang doktor ng Pangulong Rodrigo Duterte kung sasailalim ito muli sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test.

Ito ay matapos makasalamuha ng Pangulo si DILG secretary Eduardo Año noong March 21 sa Villamor, Pasay City.

March 31 nang lumabas ang resulta ng COVID-19 test kay Año na positibo ito sa nasabing virus.

Sinabi ni Senador Bong Go na maayos naman ang kalagayan ng Pangulo subalit patuloy pa rin silang mag-iingat ng Pangulo lalo na’t kailangan ng bansa ng isang matatag na lider sa gitna ng krisis ngayon.

March 12 nang magpa COVID-19 test sina Go at Pangulong Duterte at kapwa negatibo naman ang resulta ng test sa mga ito.

0 comment

Related Posts